PREMIUMMovie▶Miss Q&A: Paano mag-birthday party ang mga beki
2026Reality
Hugot feels ang hatid ni Moira Dela Torre sa kanyang performance. Ang kanta niyang "Malaya," naging theme song na ng maraming pusong minsang nasaktan. Ano naman ang mensahe niya para sa mga pagod na at gusto nang sumuko sa pag-ibig. Itaas ang bandera ng mga 'accla' sa pagpasok ng tatlong kandidata na may wit at personality na havey sa Miss Q and A. Nagpakawala ng matinding talak sina Basha Beatrice Raven, Baby Darss, at Ava Garcia. Si Basha, napagkamalan pang host ng ibang programa! Maya-maya pa naging 'serye' na nga ang mga eksena nang sumabak ang mga kandidata sa isang masayang aktingan with Vhong Navarro. Maya-maya pa, nagsimula na ang Tumpak Ganern round. Mabilis na nakapuntos si Ava, at sumunod naman si Basha. Si Baby Darss ang umuwing lotlot. Sa Wit Lang round, sina Ava at Basha ang sumalang. Ang tanong na nabunot ni Ava, “Okay ba sa’yo na kapag tinatanong kung maganda ka at ang isinasagot ay ‘mabait’ ka?” Habang kay Basha naman, “Okay ba sa’yo na sintatag ka ng pader pero mapanghi ka?” Sa Laro Laro Pick, puwede nang mangarap at puwedeng mag-take ng risk dahil malay mo ang swerte ay sa palad mo pala nakaukit. Laban na laban sa game arena ang tropa ng mga taga-Karuhatan, Valenzuela. Sila muna ngayon ang bida! Nakaramdam si Vice Ganda ng positivity habang nakikipagkuwentuhan kay player Al, na bagama't malungkot dahil haos araw-araw binabaha ang kanilang lugar, may dahilan pa rin siyang ngumiti dahil malapit na siyang ikasal. Kuwento pa ni Al, na isang kaminero, marami silang pinagdaanan ng nobya, katulad ng hirap na ma-earn ang approval ng mga magulang ng kanyang sinisinta. Kaya ngayon na malayo na ang kanilang narating matapos ipaglaban ang pag-ibig, wala nang atrasan, siguradong sigurado siya sa pagmamahal na kanyang natagpuan. Araw talaga ‘to ni Al. Dahil matapos mabigong maksagot si You Gotta Lyric round, pangalan niya pa rin ang nabunot ni Vice Ganda para maglaro sa jackpot. Gustong gusto ni Meme Vice na makuha ni Al ang P250k POT money, ngunit mas pinili nitong tanggapin na lang ang Li-Pot offer. Manghinayang kaya siya kung ang POT question ay may kinalaman sa kasal?! #ShowtimePwedengSumaya #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2025★ 6.5Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality
PREMIUMMovie▶2025★ 7.1Reality
PREMIUMMovie▶2026Reality